NAALARMA si Sen. Francis Pangilinan kaugnay sa nabunyag na troll farms na gagamiting sandata sa 2022 elections.
Ayon sa senador, gastusin na lang ang pera sa agricultural farms at iba pang pro-farmer programs keysa sa troll farms.
Isinagawa ni Pangilinan ang pahayag bilang tugon sa ibinulgar ni Sen. Panfilo Lacson na isang undersecretary ang umano’y nag-oorganisa ng troll farms para atakehin ang mga kritiko ng pamahalaan at ilang potensiyal na kadindato sa 2022 elections na hindi pabor sa administrasyon.
“Imbes na troll farm ang kanilang ginagastusan, dapat yung agricultural farms, itong poultry farms, piggery, livestock, vegetable, rice. Yun ang gastusan natin dahil yun ang tulong na kailangan ng ating mga kababayan,” ayon kay Pangilinan.
Dapat aniya maagapan ang fake news at online trolling gayung papalapit na ang eleksyon.
“Yung paninira na ginagastusan nang napakalaking halaga ay totoo at nangyayari. Kaya tayo bilang mga mamamayan, kinakailangan maging mapagbantay. Huwag basta-basta magpapaniwala,” apela ni Pangilinan sa publiko.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON