January 26, 2025

Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST

INAASAHAN na ang panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea dahil patuloy na inihahayag ng Tsina ang kanilang pagkadismaya laban sa Pilipinas kasabay ng pag-deploy ng typhoon missiles ng Estados Unidos, ayon sa isang analyst.

Ayon sa Philippien Coast Guard, hinaras ng CCG-3103 ang BRP Cabra noong Sabado ng hapon gamit ang Long Range Acoustic Device (LRAD) habang patuloy na pinipigilan ng huli ang presensya nito malapit sa baybayin ng Zambales.

Ang LRAD ay  isang specialized loudspeakers na maaaring maglabas ng mataas na lakas ng tunog upang maging sanhi ng pinsala sa eardrums pati na rin ang permanenteng pagkawala ng pandinig.

“Part ito ng tinatawag natin na Chinese greyzone operation. Lahat ng means, measures, gagawin ng Chinese Coast Guard, Chinese maritime militia short of the actual use of force, In a way hindi na yan bago kasi consistent yan,” ayon kay Prof. Renato De Castro, na nagtuturo ng international studies sa De La Salle University.

“I-expect na natin yan kasi mainit ang ulo sa atin ng Tsina. Hindi lang sa pagtutunggali natin sa kanila sa West Philippine Sea. Everything here that’s happening… mayroon talagang intention ang China na ipamukha sa atin, ipahiwatig sa amin, hindi kami natutuwa sa inyo,” saad niya.

“It’s part of a pattern. Except ngayon ang ginamit nila is an acoustic device na irritating sa ear, could damage your ear drums but this is not yet a, we cannot call this a kinetic use of force. Let’s expect, this is not new, let’s expect whatever force they would do, short of actual use of force,” dagdag ni Castro.

Dapat asahan na ng Pilipinas ang mas malala pang mangyayari.

Hinimok din niya ang gobyerno ng Pilipinas na huwag pakinggan ang panawagan ng Tsina na bawiin ang mga typhon missile launchers, dahil maaaring magamit ito sa hinaharap upang palakasin ang seguridad. “Tandaan natin malaki ang kanilang Coast Guard fleet, kita natin hindi lang isa kundi tatlo. I-expect natin yan na baka mag-deploy pa sila ng sampu. Ipinamumukha sa atin na kaya namin diyan mag-deploy,” saad niya.

“Let’s not even think na dapat natin tanggalin ang typhon missiles natin… Kapag tinulak na talaga ng mga Tsino beyond the greyzone, paggamit ng dahas, mayroon na tayong panangga doon. Sana hindi tayo dumating sa ganoong punto. Sana huwag.”