Itinutulak ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpataw ng monetary penalty o pagkakakulong sa sinumang mapapatunayan na nuisance candidate.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ito ang kanilang inimungkahi sa mga miyembro ng Senado.
“Ang pino-propose natin, sana ‘pag ikaw ay napatunayan na isang nuisance candidate at nandun ang intentions mo na talagang guluhin ang ating electoral process, kahapon pino-proposed natin sa Senado na kung hindi man pagkakulong na three to six years imprisonment, dapat manlang mayroong fine na hindi bababa ng kalahating milyon,
saad ni Garcia sa isang panayam.
Ito lamang aniya ang paraan upang maresolba ang ganitong mga kaso.
“Kasi ang mangyayari diyan, i-disqualify mo ngayong eleksyon na ito as as a nuisance candidate, sa susunod na election tatakbo nanaman kasi ibang eleksyon na naman ‘yun,” ayon kay Garcia.
“Para lang tayong winawalang hiya at yung ating proseso ay parang pinagtatawanan lamang ng mga ito. Hindi dapat nagkakaganyan,” dagdag niya.
Sinabi ni Garcia na kapag mapatunayang may sabwatan, lahat ng sangkot ay dapat ding kasuhan, hindi lamang dahil sa misrepresentation o perjury, kundi pati na rin sa pagsasampa ng nuisance candidacy. “Kung maituturo kung sino yung mga nagpatakbo sa mga nuisance candidate, yung tinatawag na conspiracy, dapat sila may karampatang parusa rin para sa kanila,” ayon kay Garcia.
“Because sa conspiracy na tinatawag (in conspiracy), the act of one is the act of all,” dagdag pa niya.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO