
TAYTAY, RIZAL – Nagtulong-tulong ang mga taga-Sitio Sala sa Taytay, Rizal para maitayo at mabuo ang isang tulay sa kanilang lugar.
Isa si Mayor Joric Gacula sa naging daan para maisakatuparan ang nasabing tulay na siyang nagbigay ng mga materyales sa mga residente rito.
“Bayanhan spirit ang nanaig para sa kaligtasan ng mga dadaan dito. Maraming salamat sa inyong lahat!” masayang pahayag ng naturang alkalde.
Labis din ang pasasalamat ng mamamayan ng Sitio Sala at Tigers Municipal Task Force kay Mayor Joric Gacula sa pagtulong na magawa ang matagal na nilang pangarap na tulay.
More Stories
Iba-ban si referee Collantes… DESISYON MALAMANG MABALIGTAD PABOR KAY SUAREZ NG PILIPINAS
Drug suspect, tiklo sa buy-bust sa Valenzuela
Lalaki, kalaboso sa bakal sa Caloocan