November 3, 2024

Pangangaroling ipinagbawal sa Valenzuela

Ipinagbawal muna sa Valenzuela City ang pangangaroling sa bisa ng Ordinance No. 824, Series of 2020.

Nakasaad sa ordinansa na hindi pinahihintulutan ang sinumang indibidwal o grupo na magsagawa ng pisikal na pangangaroling simula Disyembre 1 hanggang Enero 4, 2021 bilang bahagi ng patuloy na pag-iingat sa COVID-19.

Pinapayagan naman ang pangangaroling na electronic o digital.

Itinakda ang administrative penalty na P5,000 sa bawat paglabag at/o community service.

Ang mga hindi susunod sa administrative penalty ay pagmumultahin ng P5,000 o makukulong ng hindi lalagpas sa 30 araw, o pareho, depende sa korte.

Para sa mga lalabag na 17-anyos pababa, kailangang sumailalim sila sa intervention program ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Kung ang nahuling menor-de-edad ay hindi susunod sa interventiopm program, mananagot ang kanyang magulang sa ilalim ng Cod of Parental Responsibility.