January 23, 2025

Pangamba’y pawiin sa bisa ng bakuna kontra COVID-19

Muli, magandang araw sa inyo mga Ka-Sampaguita. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan.

May ilang vaccine na ang aprubado ng kinauukukan. Ito’y upang pangontra sa COVID-19. Katunayan, ilang bansa na ang nagpa-reserba ng bakuna.

Kasama na rito ang ating bansa. Ayon sa ulat, posibleng sa Marso 2021 dumating ang bakuna.

May nagsagawa na ang vaccine sa ibang bansa. Katunayan, isang 90-anyos na babae ang binakunahan sa Great Britain.

Ang nagbakuna rito ay isang Pinay na nurse. Kaugnay sa bakuna, may ilang tao ang hati ang opinion.

Ika nila, for worst daw ito. Makokontrol daw ang tao o isa ring uri ng genocide agenda ang vaccine. Ito’y marahil dahil sa mga nababasa ng ilan sa social media kaugnay sa masamang epekto ng bakuna.

Kung kaya, kung may gustong magpabakuna, meron din namang ayaw. Para sa mga ayaw, kuwestiyunable ang bakuna mula sa malalaking pagamjtan. Kesyo, malaki sila, sila na raw ba ang otoridad para sa ligtas na vaccine?

Isa pa, masyadong maikli ang pag-aaral dito at trial. Kung kaya, duda sila sa bisa. Baka kung sumalang  daw ang iba, baka maulit ang nangyari noon. Ang alaala ng bangungot ng Dengvaxia.

Kung gayun, sino raw ang mananagot? Sino ang hahabulin? Karamihan sa ayaw ay yung payak ang pamumuhay. Pero, matatag ang prinsipyo.

Anila, ayaw nilang sumugal. Isa pa, kung mabisa nga, baka hindi sila mabakunahan. Dahil tiyak na unang sasalang ay yung maykaya.

Gayunman, alam nating gagawa ng programa at kampanya ang kinauukulan. Sa gayun ay mawala ang ating pangamba. Kaya, mga kababayan, mga Ka-Sampaguitam huwag magduda. Tayo’y magtiwala. Viva La Raza!