December 24, 2024

PANGALAN NG YUMAO, HUWAG GAMITIN SA KAPAMILYA FRANCHISE RENEWAL

Muli, isa na naman pong magandang araw sa inyo, mga minamahal kong mga. Mga ginigiliw kong mga Ka-Sampaguita. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan. Nawa’y hindi magmaliw ang di nauubos na biyaya’t pagpapala ng Panginoong Diyos. Muli na naman tayong tatalakay ng mga mahalagang usapin sa ating lipunan.

Muli mga Ka-Sampaguita, talakayin nating muli ang isyu tungkol sa ABS-CBN. Wala naman tayong masamang tinapay sa network. Kundi, ang dapat sisihin sa nangyaring pagkakasara nito ay ang mga taong nasa likod ng Kapamilya.

Kung lumagay lamang sila sa tama at sinusunod ang patakaran at batas, hindi sasapitin ng Dos ang ‘closure’. Kaya kaya nahahati ang Kamara.

Hati sila ng pananaw at opinyon. Kung ang iba ay kinakastigo ang ilang paglabag ng network, may ilan namang nasa Kamara ang nananawagan na muling mabigyan ng prangkisa ang Kapamilya.

Kapansin-pansin ngayon ang pagiging pro- Kapamilya ni dating DILG secretary Raffy Alunan III. Ang siste kasi, nananawagan si Alunan kay Pangulong Duterte na sana’y bigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN.

Ang matindi pa, isinangkalan pa ng dating DILG secretary ang pangalan ng dating DENR secretary at ABS-CBN Foundation officer Gina Lopez. Ang yumaong dating lingkod-bayan na si Lopez ay kilala bilang malapit kay Pangulong Duterte. Ang panawagan ni Alunan ay nakapost sa Facebook page ng Kapamilya Online World. Hhmmm…

Comment tuloy ng ilang netizens, bakit mahilig ang mga tao sa politika na isangkalan o gamitin ang pangalan ng taong namatay na? Pampaawa epek ba? Bakit gagamitin ang pangalan ni Gng. Lopez ( bilang alaala aniya)  sa panawagang bigyan ng ‘franchise renewal’ ang istasyon?

Ano ba akala nila sa prangkisa, kendi lang? ‘E sandamakmak ang violations ng nasabing istasyon, tapos bibigyan mo ng bagong prangkisa? Kulang na lang sabihin sa Pangulo ‘e “ mahiya ka naman, Mr. President! Wala ka namang utang na loob ‘e. Alalahanin mo naman ang ginawa ni Gina Lopez para sa kapakanan ng ating inang kalikasan!”

Anak ng tipaklong naman. Trademark na ba talaga ng nmga nagsasabing ‘disente’ ‘yan? Yung mahilig gumamit ng mga taong namatay na para sa kanilang sariling interes? For short, ‘name dropping’.

Ang tanong, uubra ba ang sisteng ‘yan sa mga mambabatas natin? Lalambot kaya ang mga nasa Kamara sa panawagan ni Mr. Alunan na ginamit ang pangalan ng isang Lopez?

Mga Ka-Sampaguita, sapol noong 1986 People Power Revolution ( kuno!), natuto na ang mga kababayan natin.

Nahalata na ang alibi at paggamit sa pangalan ng taong namatay para pakinabangan ng ilan para sa kanilang sariling interes. Una, pangalan ni Ninoy… ginamit, pangalan ni Cory… tapos pangalan naman ni Lopez. Parang wala po yata sa lugay, ano po?

Isa pa, bakit sa FB page ng Kamilya naka-post ang panawagan ni Alunan? Obyus na pampuntos lang. Suporta bang matatawag o pampapogi lang? Kayo nap o ang bahalang humusga mga Ka-Sampaguita. Adios Amorsekos.