
Si Vice President Sara Duterte ang unang tao na makikinabang sa panawagang ‘Marcos resign,’ ayon sa Malacanang.
Ito’y matapos himukin ng mga supporter ng mga Duterte na magbitiw na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang puwesto matapos ang pagkakaaresto ng ICC kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Kung pinag-reresign po nila ang Pangulo, sino po ba ang makikinabang? Kahit sabihin po ni VP Sara, ‘O, kayo nagsabi niyan.’ Siya pa rin po ang makikinabang,” paliwanag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro.
Nitong weekend nanawagan ang mga Pinoy ng Marcos resign matapos silang magtipon sa The Hague bilang pagpapakita ng suporta kay Duterte na kasalukuyang nakakulong sa ICC detention facility.
Sa naturang rally, inupakan ng Vice President ang kakayahan ni Marcos Jr na pamunuan ang bansa at ipinagsiwagan na adik sa droga ang Pangulo.
“Sasabihin po ba na walang kakayanang mamuno? Paano po natin masasabi ito? Kung ang pinapairal po natin ay ang batas. At very transparent po tayo sa anumang mga transaksyon,” buwelta ni Castro.
“Hindi po mas kakayanin ng isang tao na mamuno na maraming inililihim, maraming itinatago, at hindi nagpapakita ng anumang dokumento more particularly about the funds.”
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN