
MAKATI CITY — Ilulunsad ngayong Hulyo 1, 2025 ang ikalawang yugto ng kampanyang “Panatag Pilipinas: From Online to Onscreen” bilang opisyal na panimula ng National Disaster Resilience Month (NDRM) 2025 sa Ayala Malls Circuit, Makati. Tampok sa kick-off event ang aktor at campaign ambassador na si Dingdong Dantes, kasama ang mga pangunahing opisyal mula sa pamahalaan at international partners.
Sa temang “KUMIKILOS para sa Kahandaan, Kaligtasan, at Katatagan”, layunin ng NDRM ngayong taon na bigyang-diin ang sama-samang pagkilos ng mga Pilipino para sa isang mas ligtas at matatag na bansa sa gitna ng banta ng mga sakuna.
Ang Panatag Pilipinas Launch 2.0 ay isang risk communication advocacy campaign na may pangunahing mensahe: “Alam ng Pinoy ang Dapat Gawin Para Maging Ligtas sa Panahon ng Sakuna.” Matapos ang matagumpay na digital rollout noong nakaraang taon, ngayon ay dadalhin na ang mensaheng ito sa mas maraming Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalabas ng campaign materials sa mga mall at sinehan sa buong bansa.
Pangunahing Panauhin at Tagapagsalita:
- Secretary Gilberto C. Teodoro, Jr., Chairperson ng NDRRMC at Kalihim ng National Defense
Mga VIP na Dumalo:
- Undersecretary Ariel F. Nepomuceno, Executive Director ng NDRRMC at Administrator ng Office of Civil Defense
- Dingdong Dantes, Panatag Pilipinas Campaign Ambassador
- Zafer Mustafaoglu, Country Director ng World Bank Philippines
- Antonio Joselito G. Lambino II, Pangulo ng Ayala Foundation, Inc.
- Gen. Manny Bautista, Head of Security, Ayala Corporation
Malaking Hakbang sa Resilience Campaign
Ang makasaysayang pagtutulungan ng World Bank, Office of Civil Defense, at Ayala Foundation, Inc. ay naglalayong palawakin pa ang abot ng kampanya. Katuwang rin sa inisyatibo ang mga ahensyang gaya ng PHIVOLCS, PAGASA, at MGB, na may mahalagang papel sa pagbibigay-kaalaman at babala ukol sa mga panganib.
Ang aktibidad ay simbolo ng patuloy na pagdami ng mga indibidwal, institusyon, at organisasyong kumikilos para sa kaligtasan at katatagan ng sambayanang Pilipino.
More Stories
CIDG, huwag palagpasin ang ‘Payola Ops’ sa loob ng hanay
PBBM PINANGUNAHAN PAGWASAK SA P9-B DROGA
BIKER PATAY SA BUNDOL NG SUV SA SHAW BOULEVARD