LIGTAS at nagpapagaling na ngayon sa ospital ang dalawang lalaki matapos pagsasaksakin sa Commonwealth Avenue sa Quezon City nang dahil sa umano’y utang.
Kinilala ang dalawang biktima na sugatan sa pananaksak na sina Raymund Matabang, 38-anyos at Vickson Villaroman, 20.
Arestado naman ng mga pulis ang mga suspek na sina Abraham Tan, 37, at Rogelio Farcon, 41.
Sa video na nag-viral sa social media, makikita pa si Tan na hawak ang patalim habang naglalakad sa highway sa bahagi ng Barangay North Fairview.
Hindi niya binibitawan ang patalim kahit ilang beses na siyang pinagsasabihan ng mga armadong pulis.
Nakuha lang kay Tan ang patalim nang paluin ng isang pulis ang kaniyang kamay gamit ang yantok.
Sa paunang imbestigasyon ng Fairview Police Station 5 (PS5) ng QC Police District (QCPD), lumitaw na may utang umano si Tan kay Matabang na nagkakahalaga ng P2 milyon.
Nagkasundo raw ang dalawa na magkita para magpunta sa bangko at magkabayaran.
Pero habang nasa loob ng sasakyan, nangyari na ang pananaksak bago pa sila makarating sa bangko.
Nakuha ng mga awtoridad ang dalawang patalim na ginamit sa krimen.
Samantalang mahaharap naman sa kaukulang kaso ang dalawang suspek
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA