Nanaig ang Miami Heat sa Boston Celtics sa Game 1 ng east finals. Tinusta ng Heat ang Celtics sa overtime, 117-114.
Ang panalo na ito ng Heat ay regalo sa birthday ni Jimmy Butler. Nanguna sa panalo ng Miami si Goran Dragic.
Naglista ang Slovenian ‘baby face’ ng 29 points, 7 boards at 4 assists. Nag-ambag naman si Jae Crowder ng 22 points, 5 boards at assists.
Sa Boston naman, bumuslo si Jason Tatum ng 30 points, 14 boards at 5 assists. Umasiste naman si Marcus Smart ng 26 points, 3 boards at 1 assists.
Lumamang ang Boston sa first quarter. Nahabol ito ng Heat. Muling lumamang ang una hanggang fourt.
Ngunit, nakahabol ang Miami dahil sa kanilang depensa. Natapos ang regulation sa 106-106 all.
Naging dikdikan ang laro sa overtime. Ngunit, malaking bagay ang ginawang block ni Bam Adebayo kay Tatum, 116-114.
Nasupalpal ni Adebayo ang tangkang dunk ni Tatum upang itarak sana ang 116-116 all. Hindi naman naisalpak ni Tatum ang tres, dahilan upang matalo ang Celtics.
Ang Game 2 ay idaraos sa Huwebes (Biyernes ng umaga, PH time).
More Stories
BOXING LEGEND GEORGE FOREMAN PUMANAW NA, 76
D’Engineers chess championship… GM JÒEY ANTONIO, HARI NG RAPIDO!
Grassroot hanggang Olympics… PSC AT PAI MAGKAAGAPAY