ANG galing talaga ng mamang ito.
Laro sa pulitika minamani lang nito.
Di mo alam kung kanino ang kiling,
Hindi rin batid kung saan ang paling…
Pamparampamping, pamparampamping!
Pagiging presidente, kaya niyang ganapin.
Pero sa boto siya ay nabitin.
Sayang na panahon dahil siya ay good person.
Hindi siya kurakot , ayaw niya ng pork.Bilang mambabatas, gusto niya ay patas.
Bulsa ay pupunuin kung kanyang nanaisin…
Pamparampamping, pamparampamping!
Estrelya at mga medal noong siya ay heneral.
Nang maging sibilyan siya ay hinangaan.
Astig sa Senado, siya”y numero uno.
Sa talakayan di siya masapawan, bida sa imbestigasyon in aid of legislation.
Mataas na puwestong muli niyang mimithiin, di na raw puwedeng maliitin.
Pamparampamping, pamparampamping!
Pero nitong mga araw na nagdaan, siya ay napagdududahan.
Malambot sa dilawan dedma sa pulahan.
Akala’y sa administrasyon siya ay ayon, pero lagi siyang me pasaring.
Sabi ng mayoryang ayaw ng prutas na balimbing, hindi na sila bilib kay Xenfing..
Tik-TALK na lang daw ang asikasuhin.
PAMPARAMPAM-PING!
Lowcut: Ito ang klasik na sampol ng ‘di permanenteng kaaway at kaibigan sa politika, tanging permanente ay interes.
Ang daling nakalimot o dedma na lang ang dating kumandidatong presidente na unang namayagpag sa survey nang maaga itong magdeklara. Maraming nag-akala na siya na ang susunod na presidente pagkatapos ni Pinuynuying bago humagibis si PRRD sa finishline. Matindi ang ginawang paninira sa kanya ng isang coup’al na senador partikular sa kanyang pagiging superyaman daw mula noong mapwesto after pekeng rebolusyon.
Flatfooted si Egoy sa mga birada ng binay’aran na bluffer kaya hayun kapwa sila pinulot sa kangkungan. Ngayon magkasama silang tagayan sa ISTAMBAYAN…kakabarek..kaka-BLOW!
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!