
Patay ang correspondent ng Manila Standard, Bandera at Reuters na si Jesus “Jess” Malabanan matapos barilin sa loob ng kanilang tindahan sa Calbayog, Western Samar dakong alas-6:00 ng gabi ngayong araw (Disyembre 8).
Ito ang kinumpirma ng kanyang asawa na si Mila.
Kaagad binawian ng buhay si Malabanan matapos barilin sa ulo.
“We were watching television when a shot rang at close range. I didn’t see the gunman because it was dark,” ayon kay Mila.
Kinondena ng Pampanga Press Club ang nasabing pamamaslang at iginiit sa Philippine National Police na hulihin ang mga pumatay kay Malabanan at ikulong ang mga ito.
More Stories
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
2 SALVAGE VICTIMS NATAGPUAN SA SEMENTERYO SA LAGUNA
Tuloy ngayong Abril 2… TAAS-PASAHE SA LRT 1 ‘DI NA KAYANG PIGILAN PA – PALASYO