Ibinahagi ni President-elect Bongbong Marcos kung papaano pinaghandaan ng kanyang asawa at mga anak para sa kanilang transition bilang ‘first family’ sa sandaling maupo na siya sa Malacañang sa Hunyo 30.
Sa isang vlog, sinabi ng paparating na pangulo na iniwan na ng kanyang asawa ang law firm na itinaguyod nito para sa kanyang magiging papel bilang First Lady ng Pilipinas.
“Malungkot dahil ito ay talagang alam ko, nakita ko na pinaghirapan niya. Talagang binuhos niya ang kanyang sipag dito, ang kanyang galing dito,” saad ni Marcos Jr. “Ngunit wala tayong magagawa dahil siya ay magiging First Lady, kailangan niyang bitawan ang kanyang interes doon sa law firm. Dinedicate niya talaga ang sarili niya doon sa practice niya ng law at pamilya na ang turing niya sa mga katrabaho niya,” dagdag niya.
Sa pag-alis ni Liza sa law firm, pinaalalahanan niya ito na ‘simula pa lang ito ng bagong kabanata’ sa kanilang buhay.
Bukod kay Liza, sobrang ‘excited’ na rin ng anak ni Marcos na si Sandro para sa pagsisimula ng kanyang termino bilang representative ng unang distrito ng Ilocos Norte. Ang kanyang dalawang anak na sina Simon at Vinny ay nasasanay na rin na may nakapaligid na security.
“Panay nga ang reklamo, pero wala tayong magagawa. Ganun talaga kapag kapag ikaw ay naging anak ng presidente,” wika ni Marcos.
Manunumpa si Marcos bilang presidente sa National Museum sa Hunyo 30.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna