
MAINIT ang naging pagsalubong ng mga taga bayan ng San Luis sa Batangas sa Pamilya Ko Party List na nagnanais na kumatawan sa pamilyang Pilipino sa kongreso para ipakilala at ipahayag ang nais nilang pagsusulong ng mga karapatan gayun na din ang pagsusulong ng 3 pangunahing batas na magbibigay proteksyon sa bawat miyembro ng pamilyang Pilipino.
Ayon kay Pamilya Ko Party List Number 1 Nominee Atty. Anel Diaz, nais nilang matulongan ang bawat sa pamilyang filipino na sakop ng tinatawag nilang LOVABLES na ang ibig sabíhin ay Live-in parents, OFW parents, Victims of domestic abuse, Adoptive families, Blended families, LGBTQIA+parents, Elderly at Extended families, Single o solo parents o iyon mga nasa ilalim ng non traditional at modern filipino family system.
Ayon sa naging panayam ng ilang mamahayag ng Batangas kay Atty. Diaz, noong Miyerkules (March 12, 2025) na kung sakaling mabigyan sila ng pagkakataon na mahalal sa kongreso ay agad nilang isusulong ang tatlong panukalang batas para matukoy ang karapatan at oportunidad ng bawat pamilyang Pilpino.
Nangunguna sa mga nais nilang panukalang batas ay ang pantay na karapatan ng mga marital at non-marital children o yon mga anak sa ilalim ng kasal at mga anak sa labas ng kasal.
Ikalawa ang pagsulong ng isang domestic partnership law na magbibigay ng karapatan sa mga live-in partners at mga LGBTQIA+ na magdesisyon sa usapin ng medical consent at gayun din sa karapatang magka-mana sa isat-isa, at magpasya sa mahalagang desisyon medikal at pangasiwaan ang kanilang mga naipundar na ari-arian.
Ikatlo ay ang pagsusulong ng mga legal framework surrogacy upang mabigyan ng proteksyon ang mga kababaihan na posibleng magamit sa exploitation.
Maliban sa kanilang 3 priority bill ay isinusulong din ng nasabing party list ang pagkakaroon ng batas na “Divorce” sa Pilipinas bilang remedyo upang mabigyan ng legal na solusyon ang mga failed marriages o mag asawang hindi na maayos na nagsasama subalit hindi dapat maging basehan sa nais nilang divorce bill ang dati na o existing laws na katulad ng nasa batas ng Annulment para masulosyunan ang nais nilang maayos na paghihiwalay na nais ng bawat mag asawa at isusulong din aniya nila ang pagpapalawak ng mga benipisyo at mga interes ng mga
OFW parents at mga solo parents gayun din ang mga nakukuhang medikal at karagdagang hanapbuhay ng mga ito.
Sa huli sinabi ni Atty. Diaz, na inaasahan nila ang mas maunawaan pa at mabigyan ng malawak na suporta ang Pamilya Ko Party List #150 ng mga pamilyang kanilang pinupuntahan lalo na iyon nasa mga liblib na lugar sa bansa bago sumapit ang Midterm National and Local Election. (ERICHH ABRENICA)
More Stories
3 High Value Individual nasakote sa P1.36-M ‘shabu’ sa San Pablo City, Laguna
Imprenta ng balota sa midterm polls 92% na
MEKANIKO TINANIMAN NG TINGGA SA ULO