December 23, 2024

PAMILYA FURIGAY HUGAS-KAMAY SA PAGKAMATAY NG AMA NI YUMOL

APAT na tama ng bala sa dibdib ang tumapos sa buhay ng ama ni Dr. Chao Yumol, ganap na 6 ng umaga, kanina sa tapat ng bahay ng mga  Yumol sa Rizal St. Lamitan, Basilan na  walang awang pinagbabaril ng riding in tandem sa nasabing lugar.

Magugunita naman nitong nakaraang Linggo ang insidente rin ng pamamaril ni Dr. Chao Yumol  sa Ateneo, kung saan nasawi sina dating Lamitan City Mayor Rosita Furigay, executive assistant na si Victor George Capistrano at Ateneo guard na si Jeneven Bandiola. At sugatan ang anak ni Rosita na si Hannah.

Inaalam pa ng PNP kung ano ang dahilan ng pagpaslang kay Ginoong Rolando Yumol, kung ito ay isang uri ng “rido.”

Ang tinawag na “rido” sa Muslim Maranao ay clan feuds, o gantihan dahil sa alitan.

Samantala, nagulat at nalungkot ang pamilya ni dating alkalde sa nangyaring pamamaslang sa ama ng Ateneo shooting suspek.

“Kami po ay nagulat at ang pamilya po ay nalulungkot na nangyari na ‘yan,” ani Qurino Esguerra, abogado ng pamilya Furigay.

“Ang hiling na lang po ng pamilya sa pangyayaring ito may mag-request sa PNP na mag-conduct ng thorough investigation kung sino po ang responsable dito,” dagdag niya.

Samatala, sinabi ng abogado na unfair sa pamilya Furigay na agad isisi rito ang pagkamatay ni Rolando Yumol, 69, isang dating pulis.

“Unfair naman po na bigla natin i-judge or i-husga na may kinalaman sila dito,” giit ng abogado.