Inendorso ng pamilya Enrile si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa 2022 elections.
Kinumpirma ng kampo ni Marcos na nakipag-alyansa si Juan Ponce Enrile at anak nitong si Katrina kay Federal Pilipinas (PFP) standard bearer Ferdinand Marcos Jr. matapos ang pagpupulong sa bahay ng dating senador sa Metro Manila noong Biyernes.
Si Enrile, 97, at ang kanyang 61-anyos na anak na babae, kasama ang board member na si Perla Tumaliuan, ay nakipagpulong kay Marcos para sa endorsement ng nakababatang Enrile, na nakahanay sa Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), bilang kinatawan ng kongreso ng unang distrito ng Cagayan.
Meanwhile, Bongbong also expressed support for Katrina Ponce Enrile, who’s eyeing a seat in Congress as Cagayan’s first district representative.
Ayon sa mga Enrile, napag-usapan nila ni Marcos ang mga karaniwang adhikain at programa ng Lakas-CMD at PFP kung saan adopted candidate si Katrina. Suportado rin ng PFP si Tumaliuan, ang vice gubernatorial candidate ng partido at ang provincial chairman nito.
Si Enrile ay isa sa mga naging opisyal noong ipatupad ni dating diktador Ferdinand Marcos ang Martial Law.
Nagsilbi siya bilang defense secretary mula 1970 hanggang 1986, bago maging mambabatas.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA