December 25, 2024

Pulis-SPD inireklamo ng isang pamilya ng panghaharas

NAGPASOKLOLO ang pamilya DELOS SANTOS at iba pang residente, sa Port Bonifacio sa Taguig kaugnay sa ilang buwan dahil sa umano’y panghaharas ng ilang armadong kalalakihan upang paalisin sa lupa na tinitirikan ng kanilang mga bahay.

Ayon kay Atty. Ulpiano Madamba, abogado ni Ret. Police Arnel Delos Santos, sumugod sa lugar ang grupo ng mga tauhan ng Southern Police District kabilang ang nagpakilalang director na si P/BG Emmanuel Peralta na umano’y nanguna sa nagpapaalis sa tirahan ng Pamilya Delos Santos

Base sa kuwento ng abogado ang lupang may sukat na mahigit sa 500 metro kuwadrado kinatitirikan ng bahay ng mga nagrereklamo ay pag-aari di-umano ni Deogenes Rodrigues na siyang nagbigay ng pahintulot sa mga re para sampung taon na ang nakalilipas para manirahan sa higit 5000 sq. meter na lupain nito

Ipinirisinta sa media ni Atty. Madamba ang mga dokumentong nagpapatunay at titulo ng lupa na nakapangalan kay Rodriguez kabilang ang Certificate of Occupancy na may lagda nito para sa paninirahan sa nasabing lupa ng pamilya Delos Santos

Ang nasabing lupa ay matatagpuan sa Old RDSU Compound Fort Bonifacio, Western Bicutan, Taguig City na inaangkin ng Southern Police District.

Nagsimulang paalisin sa lupa ang pamilya delos santos ng SPD nitong Jan 6, 2020 sa pamamagitan ng isang sulat kung saan ang nakalagda ay isang nagngangalang Col. Lito Patay, Chief Regional Logistic and Research Devision ng NCRPO.

Dahil dito pumalag ang pamilya delos Santos dahil wala naman court order for demolition at wala namang maipakitang anumang dokumento sa lupa ang SPD. Sa ngayon ay nangangamba ang pamilya delos Santos sa kanilang seguridad dahil sa mga banta ng kanilang buhay.