TUMULAK patungong Fukuoka, Japan ang Philippine swimming team na pinamumunuan ni two-time Olympian Jasmine Alkhaldi para sumabak sa 17th World Aquatics Championship na nakatakda sa Hulyo 23-30.
Ang 30-anyos US-educated swimmer ay kwalipikadong lumahok sa tournament kasama ang Southeast Asian Games record-holder na sina Xiandi Chua, Thanya Dela Cruz, Jerard Jacinto at US-based Jarod Hatch.
Si Olympian Ryan Arabejo ang itinalagang coach ng kauna-unahang koponan na ilalahok sa international arean sa pamunuan ng World Aquatic-backed Philippine Swimming, Inc. (PSI) na pinamumunuan ng bagong halal na Presidente Miko Vargas at Secretary-General Batangas Rep. Eric Buhain.
“The presence of the world’s top swimmers makes this tournament a fierce competition, no doubt about it. But our athletes are out to experience the atmosphere in a high-level tournament, try to improve their personal best time, and sharpen their skills,” pahayag ni Buhain, itinututing swimming icon at Philippine Sports Hall-of-Famer.
“Objective is to get the highest World Aquatics Points thru their best performance and get a chance to compete in the Paris Olympics. We’re hoping for the best for our swimmers,” ayon kay Buhain.
Kwalipikado ang mga Pinoy sa taunang event batay sa kanilang mga FINA points na nakamit mula sa mga nilahukang torneo na sanctioned ng World Aquatics.
PInakabeterana sa grupo si Alkhald na sasabak sa 50m freestyle kung saan mayroon siyang personal na best time na 27.02, gayundin sa 100m butterfly na may pinakamahusay na oras na 1:00.45 na naitala niya sa pagwawagi ng silver medal sa Cambodia SEA Games nitong Mayo.
Ang 21-taong-gulang na si Chua, na nagsanay sa Australia bilang bahagi ng kanyang paghahanda para sa Sea Games, ang pambato ng bansa sa 400m medley at 200m backstroke kung saan siya ay may pinakamalakas na tyansa kung isasaalang-alang ang progreso bg kanyang performance mula noong siya ay bumalik. mula sa pagsasanay sa Down Under, ayon sa kanyang personal trainer/coach na dating Olympian na si Pinky Brosas.
“Considering the progress of her time since her Australia training, maganda ang prospect ni Xiandi,” ani Brosas.
Nanalo ang Ateneo student ng gintong medalya sa impresibong record-fashioned sa Cambodia na 2:13.20 para was akin ang SEA Games record na 2:13.64 na itinakda ni Nguyen Thi Anh Vien ng Vietnam sa women’s 200m backstroke sa 2017 edition sa Jakarta.
Ni-reset niya ang kanyang 4:56.82 na tyempo sa Australia meet sa kahanga-hangang 4:52.08 oras para makamit ang bronze sa SEAG. Umaasa rin ng malaking pagbabago sa performance nina Thanya Dela Cruz na lalahok sa 50m at 100m breastroke, habang ang 23-taong Hatch ay nagsisikap na mapabuti ang kanyang SEAG bronze medal time sa 50m butterfly (23.89) at 100m fly (52.91) pati na rin ang kapwa SEAG bronze winner na si Jacinto sa 50m backstroke (25.56) at 100m back (55.99).
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW