December 25, 2024

Pambato ng Pilipinas bilang best actor… ARJO ATAYDE, FIRST PINOY NA NOMINADO SA ASIAN CONTENT AWARD SA SOUTH KOREA

MASAYA si Ms. Sylvia Sanchez, sa mga na achieve nang kanyang anak na si Arjo Atayde. Dahil sa dinami-dami ng mga mapipili na representative ng bansang Pilipinas, anak pa niya ang napiling ilaban.

 “Yes, si Arjo Atayde ang idineklarang national winner or representative ng Pilipinas for Best Actor in a leading role para sa ‘Cattleya Killer’ sa gaganaping Asian Academy Awards 2023 sa Singapore sa darating na Disyembre.

 “At nominated din siya sa darating na TV series sa Asian Content Awards [ ACA ] 2023 bilang Best Actor, happening on October 8 in Busan, South Korea. Proud nanay talaga ako sa anak kong iyan at hindi lang napantayan ako nalampasan na niya ang byuti ko pagdating sa mga achievement niya sa kanyang showbiz career.

 “Sabi pa ni Ms. Ibyang, first time raw na may na-nominate na Pinoy sa kategoryang Best Actor sa Busan. At idol pa niya si South korean Actor na si Ryu Seung-ryong at para naman daw iyon sa ‘Moving K-drama, kaya halong kaba at saya dahil magaling ang makakalaban ng kanyang anak,” masayang pahayag ni Ibyang.