
Niligawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga botante sa Davao del Norte upang piliin lahat ng 12 senatorial candidates ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas coalition.
Aniya, “very impressive” ang kanilang track records.
“Mabigat ang kalaban dahil kung kikilatisin natin sila isa’t isa. Napakatingkad po ng mga record nila, napakaganda ng kanilang mga naging performance sa kanilang iba’t-ibang inupuan na mga posisyon sa pamhalaan,” wika ni Marcos sa campaign rally sa Carmen, Davao del Norte.
“Kapag naman isa-isa silang magaling, pinagsama-sama pa natin silang lahat, ay talagang nakakagulat na ang kanilang tibay at lakas,” dagdag niya.
Ang kanyang mga pambato ay kinabibilangan nina Erwin Tulfo and Camille Villar, kapwa incumbent sa House of Representatives; reelectionists Senators Francis Tolentino, Lito Lapid, Bong Revilla, Pia Cayetano at Imee Marcos; Makati City Mayor Abby Binay; mga dating senador na sina Manny Pacquiao, Panfilo Lacson and Vicente Sotto III, who was also former Senate President; and former Interior secretary Benjamin Abalos Jr.
Pinatunayan ni Marcos ang kakayahan ng mga kandidato ng Alyansa, sinabing sila ang pinaka-kwalipikado na umupo sa mga upuan ng Senado, isinasaalang-alang ang kanilang mga nakaraang posisyon sa gobyerno.
“Itong mga nakaharap sa inyo, sila’y sanay na sanay na. Pag-upo nila, kapag naluklok sila sa kanilang hinahabol na posisyon, hindi na po sila magtataka kung anong gagawin nila. Hindi na po magtatanong kung kani-kanino kung anong dapat gawin,” saad niya.
“Alam na po nila ang trabaho nila. Alam na po nila kung sino ang kailangang kausapin. Alam na po nila kung ano ang pinaka-mainam na paraan para mabigyan tayo ng mas magandang serbisyo.”
Ayon kay Marcos, walang bahid ng korapsyon ang senatorial candidates ng Alyansa at hindi tumatakbo para sa pansariling interes, bagkus nais nilang tulungan ang mga Filipino.
Larawan mula sa PNA
More Stories
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
2 SALVAGE VICTIMS NATAGPUAN SA SEMENTERYO SA LAGUNA
Tuloy ngayong Abril 2… TAAS-PASAHE SA LRT 1 ‘DI NA KAYANG PIGILAN PA – PALASYO