
MANILA, Philippines – Apat na babae, apat na alamat, at apat na reyna ng sining at kultura ang pararangalan ng Pangulo!
Sa darating na Mayo 4, personal na igagawad ni President Ferdinand Marcos Jr. ang Presidential Medals of Merit kina Nora Aunor, Pilita Corrales, Gloria Romero, at Margarita Fores—lahat ay pumanaw ngayong 2025 at iiwan ang makukulay na pamana sa kasaysayan ng bansa.
Nora Aunor – Ang “Superstar” ng pelikula at musika, yumao noong Abril 16 sa edad na 71.
Pilita Corrales – “Asia’s Queen of Songs,” namaalam noong Abril 12, edad 87.
Gloria Romero – “Queen of Philippine Cinema,” pumanaw noong Enero 25 sa edad na 91.
Margarita Fores – Asia’s Best Female Chef (2016) at reyna sa larangan ng culinary arts, sumakabilang-buhay noong Pebrero 11, edad 65.
Ayon sa PCO Director Sheryl del Mundo, “Ang Presidential Merit Award ay isa sa pinakamataas na parangal na iginagawad ng Pangulo bilang pagkilala sa makabuluhang ambag sa nation-building.”
Kasama nila sa hanay ng mga naunang pinarangalan ay sina Francis Magalona, Lea Salonga, Paeng Nepomuceno, at Manny Pacquiao.
Isang pagpupugay sa mga babaeng tunay na huwaran—sa entablado, sa musika, sa pelikula, at kahit sa kusina.
Hindi sila basta pumanaw. Sila ay naging alamat.
More Stories
Mayor Joel Ruma ng Rizal, Cagayan binaril sa harap ng publiko – patay agad!
Bong Go, sinalubong nang buong giliw ng mga taga-Cainta!”
No. 8 MOST WANTED SA PASIG, ARESTADO SA ISABELA!”