
Kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang kolumnistang si Ramon Tulfo dahil sa mga kontrobersyal na pahayag nito laban sa reporter ng GMA News na si Mariz Umali.
Ang mga pahayag, na tinawag na “vulgar, demeaning, and unbecoming,” ay ginawa bilang tugon sa maling paratang na tinawag umano ni Umali na “matanda” si dating Executive Secretary Salvador Medialdea habang nag-uulat tungkol sa mga kaganapan sa International Criminal Court (ICC) na may kaugnayan kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang pahayag, binatikos ng NUJP ang naging komento ni Tulfo: “Tulfo’s comment, which, aside from being crass, embarrassing, and unbecoming, may lead to more online harassment of Umali… The National Union of Journalists of the Philippines condemns Tulfo’s comments—made, ironically, on National Women’s Month—and reminds him that the profession and society have evolved since the 1970s and 1980s.”
Binigyang-diin din ng organisasyon ang mas malawak na isyu ng online harassment na nararanasan ng mga mamamahayag, lalo na ng mga nag-uulat tungkol sa sensitibong usaping pampulitika.
Sa kanyang panig, nilinaw ni Mariz Umali na hindi siya nagbitiw ng bastos na pahayag at mali siyang narinig sa kumakalat na video. “It is obvious that I was misheard. I want to be clear that no disrespect was intended toward Former Executive Secretary Medialdea. I hope this clarification helps set the record straight,” aniya.
Iginiit ng NUJP na bagaman sanay na ang maraming mamamahayag sa batikos at trolling, hindi dapat normalisahin ang kabastusan at paninira. “Most colleagues have learned to shake these off, but incidents like these should not be normalized,” dagdag pa ng grupo.
Nagpahayag din ng suporta ang International Association of Women in Radio and Television Philippines, na nagsabing bahagi ito ng mas malawak na “pattern” ng misogynistic na pagtrato sa kababaihang mamamahayag.
Nag-ugat ang kontrobersya matapos kumalat sa social media ang isang video clip kung saan diumano’y tinawag ni Umali si Medialdea na “matanda.” Ang video, na in-upload ng netizen na si “Queenchubs,” ay nagpapakitang inilalabas si Medialdea mula sa The Hague Penitentiary Institution sa isang stretcher matapos umanong makaranas ng karamdaman habang bumibisita kay dating Pangulong Duterte noong Marso 18, 2025.
Ayon sa subtitles ng clip, sinabi raw ni Umali: “Tingnan mo yung matanda, nakabukas yung mata niya kanina tapos nakita niya ako bigla niyang pinikit,” kasunod ang tawanan. Narinig namang sumagot ang isa pa: “Korek. Korek.” Pagkatapos, narinig si Umali na sinasabi: “Kuya, baka kina-capture mo yung sinabi namin,” na sinagot ng nasa background: “Ate, sorry, naka-live ako.”
Agad kumalat ang video online at inulan ng batikos si Umali, lalo na mula sa mga tagasuporta ni Duterte, na nagsabing ito raw ay walang galang. Ngunit nilinaw ng reporter sa isang Facebook post na siya ay maling narinig: “What I actually said was, ‘Tingnan mo yung mata niya,’ referring to his eyes, not ‘matanda.’ My observation was purely about his eyes—how they were initially open but closed upon seeing me during my attempt to interview him.”
Sinabi pa niya na wala siyang layuning bastusin si Medialdea at umaasa siyang makakatulong ang kanyang paliwanag upang malinawan ang publiko. Parehong nasa The Hague sina Umali at Medialdea para sa patuloy na pagdinig ng ICC kaugnay ng mga kaso laban kay dating Pangulong Duterte.
More Stories
IMEE SA HINDI PAGBANGGIT SA KANYA NI BONGBONG SA CAMPAIGN RALLY: ‘TIISAN TAYO’
BATO HINDI PAHUHULI SA ICC
MAGSE-SHARE NG “FAKE NEWS” DAPAT DING MAPARUSAHAN – ERWIN TULFO