AGAD tinulungan ni Senator Richard J. Gordon ang buntis na pamangkin ng isang Filipino caregiver na nakabase sa London matapos isugod sa isang pribadong ospital sa Arayat, Pampanga na wala umanong pambayad ng bills makaraang mahawa ng COVID-19.
Tiniyak ni Gordon, na siyang chairman ng Philippine Red Cross, sa Pinoy caregiver na si Romeo Mendozo na hiniling na rin niya sa Department of Health (DOH) sa Region III na i-assist ang pamangkin ni Mendoza.
“The undersigned is thankful to have quickly established correspondence therewith since it is apparent that your Honorable Office is fully committed to genuine public service, particularly for those who are in most need for help from our country’s health care system – people like Mrs. Angel Sunga,” saad niya sa kanyang liham.
Tumugon si Gordon matapos ang kanyang pre-taped interview sa “Juan EU Konek” noong Oktubre 15, sa apela ni Mendoza nang ilapit ang pamangkin na nasa ilalim ng “hospital arrest” matapos hindi mabayaran ang balance na P650,000 mula sa kanyang medical bills.
Nagpositibo sa COVID-19 si Sunga, na isa na ngayong ina, bago magluwal ng sanggol at hindi tinanggap sa pampublikong ospital dahil sa puno na ang bed capacity. Kaya napilitan siya i-confine sa Holy Trinity Hospital sa Arayat, Pampanga, kung saan matagumpay siyang nanganak.
Bagama’t nahihirapan sa pinansiyal dulot ng pandemic, nakakalap pa rin siya ng P100,000 sa pamamagitan ng tulong ng kanyang mga kapamilya, maging sa kanilang kaanak sa UK ay humingi na rin sila ng tulong.
Dahil hindi mabayaran ni Sunga ang kabuuang P750,000, hindi pinayagan si Sunga na ma-discharge sa Holy Trinity, habang pinauwi naman ang kanyang baby.
Ipinunto ni Gordon ipinagbabawal ang hospital arrest sa ilalim ng Republic Act 9439.
“Unang-una, walang hospital arrest. Bawal ‘yan. That is deprivation of liberty without due process of lawespecially in this case that it is a humanitarian problem,” saad niya kay Mendoza sa a pre-taped interview, na inire noong Oct. 17.
“Nangyayariyan. Takutan. It’s a game of intimidation, especially if the person doesn’t know her rights as it is obvious in this case. Kakayanin siya. Hindi kita palalabasin hangga’t di ka nagbabayad,” wika niya.
Umaasa si Gordon na hindi na maulit ang ganitong pangyayari lalo na sa mga pasyente nakakikipaglaban sa COVID-19.
“Hindi puwedeng mangyari ito sa ordinaryong Pilipino na pinagsasamantalahan ng ospital at mistulang kidnap-for-ransom. Mabuti na lang at may nakatulong sa kanila. Salamat sa teknolohiya,”dagdag niya.
More Stories
Singapore swimfest… Tan’tastik sa artistic swimming para sa Pilipinas
NO WAY BUT UP TO WINNING TRADITION PARA SA DE KALIBRENG KAMPEON NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE
Tulak, laglag sa P204K shabu sa Valenzuela