April 24, 2025

Pamamaril sa Radio Blocktimer sa Talisay, Kinondena ng Negros Press Club

TALISAY CITY, NEGROS OCCIDENTAL — Nanawagan ang Negros Press Club (NPC) sa Philippine National Police (PNP) na madaliin ang imbestigasyon kaugnay ng pamamaril kay Reynaldo Siason, isang 59-anyos na radio blocktimer at dating presidente ng press club, nitong Linggo ng Pagkabuhay sa lungsod ng Talisay.

Sa pahayag ni NPC President Mark Salanga, hinikayat niya ang mga awtoridad na kilalanin at panagutin ang mga salarin sa krimen na anila’y nagdulot ng matinding takot at trauma sa pamilya ni Siason.

“Hindi kinukunsinti ng NPC ang anumang porma ng pananakot, karahasan, o pagbabanta sa sinumang kasapi ng media,” giit ng grupo.

Siason ay kasalukuyang broadcaster ng RPN-DYKB at DYRL-Bacolod, at pinaniniwalaang may kaugnayan sa kanyang trabaho sa radyo ang motibo ng pamamaril. Aniya, may nauna na rin siyang natanggap na mga banta sa buhay bago ang insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente, habang nananatiling tahimik pa ang mga awtoridad sa posibleng mga suspek.

Ang Negros Press Club ay pinakamatandang press club sa Pilipinas, at mariing naninindigan laban sa anomang pagtatangkang patahimikin ang mga mamamahayag.