Sinimulan na ng gobyerno ang pamamahagi ng P15,000 cash assistance sa maliliit na rice retailers na apektado ng nation price ceiling sa bigas.
Pinangunahan nina DSWD sec. Rex Gatchalian, Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, at Quezon City Mayor Joy Belmonte ang paglulunsad ng Sustainable Livelihood Program Cash Assistance for Micro Rice Retailers sa Commonwealth Market sa Quezon City.
Isinagawa rin ang sabayang pamamahagi ng ayuda sa Agora Market sa San Juan City, na pinangunahan nina Trade sec. Alfredo Pascual at San Juan City Mayor Francis Zamora.Sinimulan na rin ang distribusyon sa Maypajo Market sa Caloocan City.Kabuuang 589 micro rice retailers mula sa mga nasabing palengke sa NCR ang nabigyan ng assistance.Tiniyak naman ni Gatchalian na magpapatuloy ang distribusyon sa mga susunod na araw para sa mga tinderong hindi pa tumatanggap ng ayuda.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA