March 31, 2025

PAMAMAHAGI NG AYUDA SA TAYTAY, RIZAL TULOY-TULOY KAHIT ALAM NG BAWAL?

Ano itong nasagap nating impormasyon na tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng ayuda diyan sa bayan ng Taytay sa lalawigan ng Rizal?

Klaro naman po siguro ang sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na bawal ang anumang uri ng ayuda na manggagaling sa mga kandidato dahil isang uri umano ito ng vote buying.

Pero sa nabanggit nating bayan, aba’y mantakin ninyo tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng ayuda tulad ng bigas, danggit at lugaw sa pamamagitan ng house-to-house campaign. Naloko na!

Ang masakalap mga ka-Berdugo, mga taong munisipyo pa ang nagbabahay-bahay para mamahagi ng ayuda sa kanilang mga constituents. Araykupo! Mukhang hinahamon kayo ng mga ulupong na ito, Comelec Chair George Garcia? Paki-sampolan nga…

Uulitin lang ho natin ang paalala ng Comelec, na ang pagbibigay ng ayuda ngayong campaign period para bigyan ng pabor ang isang kandidato ay isang uri ng vote buying at labag sa batas. Get’s ninyo ba mga ka-Berdugo?

Buweno, ayon sa ating source,  tukoy na kung sino-sino itong mga ‘ulupong’ na ito na taga-munisipyo na nagbabahay-bahay para mamahagi ng ayuda at nakatakda na silang kasuhan. Abangan…