Ipinag-utos ng Lokal na Pamahalaan ng Navotas na kailangan isara ang mga public market, grocery stores, at talipapa dahil sa pagdami ng mga nahawaan ng COVID-19 sa lungsod.
Base sa nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco na Executive Order No. TMT-016 na nagsasaad na tuwing Lunes ay kailangan magsara ang mga public market, grocery, at talipapa para sa general cleaning at disinfection.
Aniya, ang mga lugar at establisimiyentong ito ay nananatiling puntahan ng maraming tao kaya mahalagang mapanatili itong malinis.
“Tungkulin po natin na gawin ang lahat ng makakaya para maiwasan ang paglala ng hawaan. Kailangan magmalasakit po tayo sa isa’t isa. Kahit malakas po tayo at hindi natin iindahin kung magkaroon man tayo ng COVID-19, paano naman po ang iba na mahihina ang katawan at maaaring mamatay dahil sa sakit na ito?” paliwanag ni Mayor Tiangco.
Sabi pa ng alkalde, February 6 nang magtala ng 33 active cases ang lungsod, pinakamababa ngayong 2021 ngunit pagkatapos nito, dire-diretso na ang pagdami ng mga nahawaan.
Ayon sa ulat ng City Epidemiology Surveillance Unit, tumaas ng 349% ang mga kaso sa lungsod kung saan noong Biyernes February 26, ay naitala ang 99 nagpositibo ang pinakamataas na bilang ng mga nadagdag na kaso ngayong taon.
“Maliban po sa ating panawagan na tuloy-tuloy na isagawa ang ating safety measures, hinihingi rin natin ang pakikiisa ng lahat sa ating mga polisiyang ipinatutupad” pagwawakas ng alkalde. As of February 27, nasa 6,057 na ang tinamaan ng naturang sakit sa lungsod, 301 dito ang active cases, 5,563 ang mga gumaling at 193 ang binawian ng buhay.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA