PINANGUNAHAN nina Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla at Pasig City Mayor Vico Sotto ang paglulunsad ng PalengQR PH sa Pasig City Mega Market. Humigit-kumulang 2,000 vendor sa nasabing palengke ang tumatanggap na ngayon ng cashless payments na lalong magpapabilis sa mga transaksyon at matiyak ang ligtas na pagbabayad ng mga consumer at vendor. Ang Paleng-QR Ph Plus program ay naaayon sa pagsisikap ng Bangko Sentral na gawing digital form ang kalahati ng volume ng retail payments sa bansa at ipasok ang 70 porsiyento ng mga Filipino adults sa pormal na financial system sa taong ito sa ilalim ng Digital Payments Transformation Roadmap 2020-2023.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA