
Tapos na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kaniyang isolation.
Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles na ayos na ang pangulo at wala nang nararamdamang sintomas ng COVID-19.
Kahapon aniya ang ika-pitong araw ng isolation period ng pangulo.
Hindi naman masabi ni Angeles kung ano ang mga aktibidad na ginawa ng pangulo ngayong araw.
Inaasahan namang balik na sa kaniyang face-to-face engagements ang pangulo sa susunod na linggo kabilang na ang panibagong cabinet meeting.
Matatandaang July 8 nang magpositibo sa COVID-19 antigen at RT-PCR test si Pangulong Marcos Jr.
More Stories
ELECTION-RELATED VIOLENCE SA MAGUINDANAO, COTABATO TUMAAS – COMELEC
IRR NG CREATE MORE NILAGDAAN NA
Gatchalian hinimok ang pagbibigay ng mas magandang access para sa mga PWD sa pampublikong transportasyon