March 30, 2025

Palasyo rumesbak… BONGBONG DIKTADOR – DIGONG

Nagbigay ng pahayag ang Palasyo kaugnay sa pag-akusa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na umano’y nagiging diktador.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin , ang mga pahayag ni Duterte ay “kwentong galing sa isang taong madalas magsinungaling at gumawa ng mga pekeng balita”.

Binigyang-diin ni Bersamin na ang administrasyon ni Pangulong Marcos ay patuloy na susunod sa 1987 Constitution at sa batas, at hindi magpapabaya sa mga karapatang pantao.

Dagdag pa niya, hindi sila magpapaligoy-ligoy sa mga mapang-api at mapangwasak na mga gawi ng nakaraang administrasyon. Sa isang pagtitipon sa Mandaue City, Cebu, bago ang pagpapahayag ng Palasyo, sinabi ni Duterte na baka hindi bumababa si Pangulong Marcos sa puwesto kapag tapos na ang kanyang termino sa 2028.

Sinabi rin niya na baka magdeklara ng martial law si Pangulong Marcos, tulad ng ginawa ng kanyang ama noon.