
MANILA — Umalingawngaw ang intriga matapos ipahayag ng Presidential Communications Office (PCO) na sila na mismo ang mamimili kung sino ang pwedeng mag-cover kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tinatanggalan ng papel ang mga newsrooms sa proseso.
Batay sa memo na pirmado ni PCO Assistant Secretary Dale De Vera — isang dating TV5 reporter — binigyang-katwiran nila ang bagong patakaran sa pagsasabing “pinakaprestihiyosong beat” daw ang Malacañang kaya “dapat lang piliin ang pinakamagagaling.”
Simula ngayon, may kapangyarihan na ang PCO na magbigay at bumawi ng accreditation, kabilang ang mga kasong tinaguriang “false reporting” — isang malabong termino na madaling gamiting sandata laban sa mga kritiko.
Sa ilalim ng bagong sistema, tanging mga mamamahayag mula sa media outfits na limang taon nang operational ang maaaring mag-apply. Kailangan din ng limang taong experience sa political o government coverage, isang taon sa kasalukuyang employer, at ipapadaan pa sa masusing background check ang mga aplikante.
May tatlong klaseng accreditation: full access sa araw-araw na coverage, event-based pass, at special accreditation para sa foreign media — lahat kontrolado ng PCO.
Ang aplikasyon ay tatanggapin mula Abril 29 hanggang Mayo 2, at ilalabas ang resulta pagkatapos ng midterm elections, Mayo 12–16.
Isa pa, puwedeng agad bawiin ang accreditation sa mga mahuhuling “lumalabag” sa patakaran — o sa madaling salita, kapag hindi na type ng Palasyo.
Tanong ng bayan: May kalayaan pa ba ang media, o Palace-approved news na lang ang maririnig natin?
More Stories
2 SUSPEK SA KIDNAPPING NG BABAENG CHINESE, ARESTADO
Pinoy FM Ivan Travis Cu sa Hungary… SECOND BEST SA BUDAPEST CHESS
Impostor ng LTO Chief, Areŝtado sa Cubao