November 9, 2024

PALASYO NAGLABAS NG EO PARA ‘TODASIN’ ANG POGO SA ‘PINAS

Inilabas na ng Malacañang ang Executive Order (EO) No. 74 na nagbabawal sa Philippine offshore gaming operation (POGO) at iba pang offshore gaming operations, kasama ang nasa online, sa bansa.

Pinagtibay nito ang naunang kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hanggang katapusan ng 2024 na lamang ang operasyon ng POGO sa bansa.

Ang EO ay inilabas at pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin at may petsa ito noong ika-5 ng Nobyembre.

Nakasaad dito ang kagustuhan ni Marcos na pangalagaan ang pambansang seguridad, kaligtasan ng publiko, at kaayusan sa lipunan.