
Ayon sa isang pari ng Simbahang Katoliko ang mga binasbasang palaspas ay hindi lamang para gawing palamuti sa bahay kundi isang paalala sa mga mananampalataya ang kahalagahan ng pagtanggap kay Hesukristo sa kanilang buhay.
“Blest palm fronds are not to be stored in the house to serve as lucky charms or weapons against evil forces,” ayon kay Fr. Jerome Secillano, spokesperson ng Roman Catholic Archdiocese of Manila sa isang panayam.
“Rather, they are reminders of our willingness and openness to let Jesus in our hearts and homes. But unlike the Jews who welcomed him, we are to remain faithful to Jesus till the end.”
Gugunitain ng Roman Catholics ang Palm Sunday ngayong Abril 13, ang pagsisimula ng Holy Week.
“Palm Sunday is also called Passion Sunday. The gospel proclamation is the story of Jesus’ passion,” saad ni Secillano.
“The blessing of palms is done to highlight Jesus’ entry to the city of Jerusalem where people welcomed him with palm fronds in a great moment of jubilation,” dagdag pa nito.
Ang Mahal na Araw ang pinaka-banal na linggo sa taon ng liturhiya ng mga Kristiyano kung saan ang mga Katoliko ay nananalangin at nagmumuni-muni sa sakripisyo ni Hesukristo.
Nagwawakas ito sa Linggo ng Pagkabuhay, kung kailan inaalala ang Muling Pagkabuhay ni Hesukristo.
More Stories
AMBUSH SA BASILAN; 2 SUNDALO DEDO, 1 SUGATAN
PILITA CORRALES PUMANAW NA, 85
2 Grade 8 students, dedo sa saksak ng 3 kapwa estudyante sa Las Piñas