Pinapurihan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte si Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro sa magtagumpay na pagsasagawa ng Palarong Pambansa 2023
“Thank you so much City of Marikina for your tremendous contribution in the success of this year’s Palarong Pambansa,” sabi ng Bise Presidente sa kanyang talumpati sa awarding at closing ceremonies ng taunang sporting events sa Marikina Sports Center.
Bukod kay Mayor Teodoro at Congresswoman Maan Teodoro, pinapurihan din ni VP Sara ang mga batang atleta na nanalo at mga nagpartisipa sa taunang Palaro.
“Let me extend my heartfelt congratulations to all the young ahtletes who won and competed in various sports competitions and for coming together to celebrate the vigor and talents of the Filipino youth,” ayon sa Bise Presidente.
Matapos ang tatlong taong pandemya dahil sa COVID-19, ay naidaos ang Palaro mula Hulyo 31 hanggang Agosto 5.
Tinanghal na overall champion sa Palarong Pambansa 2023 ang National Capital Region (NCR); sumunod ang was Region VI (Western Visayas), at pangatlo ang Region IV-A (Calabarzon).
Nag-inisyatiba rin si Mayor Teodoro sa pagkakaloob ng special award para sa“Cleanest and Greenest Billeting Camp” sa Region V (Bicol Region), ang Region XII (SOCCKSARGEN) ang “Most Beautiful and Best Decorated Billeting Camp.”Tumanggap din sila ng cash prizes.
Sa pinale, ginawaran ng pagkilala ng Bise Presidente ang local government unit ng Marikina City ng plaques of appreciation dahil sa magtagumpay na pagho-host ng 63rd edition ng Palarong Pambansa.
Binigyan din ng plaques of appreciation ang Deped-Marikina at DepEd-NCR.
Sa kanyang panig, pinasalamatan ni Teodoro ang DepEd, mga delegado, local government employees, at lahat ng mamamayan na sumuporta upang maging magtagumpay ang Palarong Pambansa 2023, at gumawa ng kasaysayan lalo na at ngayon lamang idinaos ang national sporting event. Samantala, ang susunod na Palaro sa 2024 ay gagawin sa Cebu City at ang will Palaro 2025 ay gagawin sa Ilocos Norte.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO