Maari nang mag-apply ang 126 na bansa para sa free business o tourist e-visa sa Pakisatan.
Ito ay bahagi ng bagong Pakistan visa policy, ayon sa Pakistan Tourism Development Corporation (PTDC), isang government organization na nagtataguyod at nagpapaunlad ng turismo sa Pakistan. “With streamlined e-visa system, your next adventure to Pakistan is just one click away. Whether you’re coming for business or tourism, Pakistan made it easier than ever for travelers from 126 countries,” mababasa sa Facebook post ng PTDC.
Ang mga citizens mula sa 126 na bansa, kabilang ang Pilipinas ay maaring mabigyan ng free visa ng single entry sa loob ng 90 araw bago ang kanilang arrival.
Pinayuhan din ng gobyerno ng Pakistan na ang online applications para sa Pakistani visas ay maari lamang isumite sa pamamagitan ng kanilang link at wala silang anumang collaboration sa ibang websites.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA