November 2, 2024

Pakikipag-sex puntirya ng monkeypox – DOH (Unang kaso naitala sa Pilipinas)

BINALAAN ng Department of Health (DOH) ang publiko hinggil sa posibleng pagkakahawa ng monkeypox sa pamamagitan ng sexual contact o pakikipagtalik.

Ito’y matapos kumpirmahin ng DOH na may naitalang unang kaso ng monkeypox sa Pilipinas.

Sa isinagawang DOH press briefing, sinabi ni Dr. Beverly Ho na batay sa mga ginawang pag-aaral mula sa mga non-endemic countries, naisasalin ang virus sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa mga taong positibo nito na nakitaan ng mga rashes sa katawan o mayroong open wounds.

Hindi umano ito kagaya sa COVID-19 na madalas na naisasalin sa pamamagitan ng hangin.

Kaugnay nito ay pinayuhan ng ahensya ang publiko na iwasan ang pakikipagtalik sa mga taong may mga rashes o mayroong sugat.

Maliban dito ay nararapat din umanong panatilihin ang kalinisan sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at iwasan ang mga kulob na lugar o mahina ang ventilation.