December 23, 2024

PAI National Trials short course…NATIONALS NAGKARIBALAN SA KAMPAYAN


Tinalo ni Southeast Asian Games record holder Xiandi Chua ang kapwa beteranong  SEAG champion na si Chloe Isleta sa isang kapana-panabik na tunggalian sa Individual Medley nitong Martes sa Philippine Aquatics, Inc. (PAI) National Trials 25-meter (short course) sa Teofilo Yldefonso Swimming pool sa loob ang sikat na Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Inangkin ng 23-anyos  senior sa De la Salle sa Business Entrepreneur ang girls 200 IM sa tyempong  2:16.22 laban sa kapwa Nationals at schoolmate na si Isleta (2:16.35) sa torneo na batayan sa pagpili ng mga miyembro ng Philippine Team na nakatakdang lumahok sa World Aquatics World Series ngayong taon.

“It’s too close, but I’m happy with my swim. It’s still a work in progress, especially in my underwater technique. Hopefully, I have more months to train, go back in Melbourne before the competition,” said the Melbourne Swim Club-trained Chua, naitala ang bagong SEAG record sa 200-m backstroke (2:13.20) nitong nakalipas na SEAG sa Cambodia.

Ang World Series ay binubuo ng kompetisyon sa Oktubre 18-20 (Serye 1) sa Shanghai, China; Serye 2 noong Oktubre 24-26 sa Incheon, South Korea; at Series 3 noong Okt. 31 hanggang Nob. 2 sa Singapore. Ang serye ay nagtatapos sa Championships sa Disyembre 10-15 sa Budapest, Hungary.

Ang World Junior Championships (2022) semifinalist na si Micaela Jasmine Mojdeh ay nagtapos sa ikatlo sa oras na 2:23.25. Ang 18-anyos na Grade 12 sa Brent International ay nakakuha na ng slot sa Philippine Team para sa SEA Age Group Championship sa Bangkok, Thailand sa  Disyembre 6-10 matapos maitala ang dalawang SEA Age Qualifying Time Standard (QTS) sa ginanap na 50-meter long course trials nitong linggo.

Nakabawi si Isleta,  lumalangoy sa ilalim ng sarili niyang Chloe Isleta Aquatics at isang produkto ng Arizona University,  nang angkinin ang 100 backstroke sa oras na 1:00.31 laban kay Chua ng Top Swim Club (1:01.14) at Tarlac pride Trixie Ortiguerra (1: 03.79) sa event na suportado ng Speedo, Pocari Sweat at Philippine Sports Commission (PSC).

Ang rising star na si Riannah Coleman, isang Grade 9 na mag-aaral sa National Sports Academy (NAS) sa Clark na pinamamahalaan ng gobyerno ay kumana sa girls 50 backstroke sa oras na 33.75 laban kina  Krystal David (34.50) at Jamaica Enriquez (34.92). ),

Nakapasok din ang Fil-American beauty sa PH Team patungong Bangkok tilt na may kahanga-hangang tatlong QTS breaking performance sa long course trials – 50-m breast (33.96), 200-mbreast (2:43.55) at 100-m breast (1:14.12).

Ang iba pang nanalo ng gintong medalya sa dalawang araw na event ay sina Miguel Barreto sa boys 400 freestyle (4:00.87), Jie Angela Mikaela Talosig sa girls 400 free (4:32.62); Rian Marco Tirol sa boys 50 back (27.69); Jerard Dominic Jacinto sa boys 100 back (56.11); at Nathan Farrel Jao sa boys 200 IM (2:02.20). (DANNY SIMON)