Kumusta mga Cabalen? Nitong nagdaang araw ay lumarga ng ikatlong ayuda o tranche ng pagtanggap ng ating mga kababayan ng Social Ameloriation Program (SAP).
Kagaya ng inaasahan, nagkaroon ng aberya at pahirapan sa pagkuha ang ating mga kababayan.Bagamat may ilang rehistradong recipient sa nasabing third wave. May napaulat na nakakakuha ang ilan.
Ang matindi, wala ang pangalan nila sa listahan. Kaya naman inayos ito ng mga kinauukulan. Na ang pangalan ng mga benepisyaryo ay makikita sa datus ng DSWD sa internet.
May ilan sa ating mga kababayan ang nagrereklamo. Kesyo hindi nila makita ang pangalan nila. Kapag titingnan naman ng alphabetical order, nagla-lag ang computer o cellphone nila.
Bago pa ilatag ang third wave, inanunsiyo na ito ng ahensiya at pinost sa kanilang Youtbe channel at social media sa Facebook page. Gayundin kung papano ito makukuha.
Ngunit, may ilan pa ring nagtatanong. Bakit hindi sila nakakuha? Bakit pahirapan ang pagkuha?
Ang siste sa mga barangay, kailangan muna raw ma-verify ang kukuha kung kasama sila sa listahan. ‘O kung ang pangalan nila ay kasama sa qualified na makikita sa internet.
Kapag na verified, sasabihan daw sila kung kailan tatawagan o makukuha ang pin para sa padala.
Kapag nakita na, saka raw sila pupunta para validation. Pero, may ilang hindi nakakuha ng payout. May nagtatanbong din na kada regfion ba ang pamimigay?
Kada lungsod? Bakit sa NCR, pinagsama-sama na, kaya pahirapaan ang paghahanap ng pangalan. Sana lang ‘e ay makuha nga ng ating mga kababayan ang payout.
Kung may problema man, maayos nawa ito ng ahensiya. Kailangan ng atging mg kbabayan ang ayuda, lalo na’t marami ang nangangailangan. Sa atin naming mga kababayan ay maging matiyaga at habaan ang pasensiya. Dahil makatatangapa naman ang talagang karapat-dapat.
More Stories
PAGPASA NG P3.5 BILYONG BUDGET NG MARIKINA, NAAYON BA?
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE