January 23, 2025

PAHIHIRAPAN NG NEW YORK KNICKS ANG MAKATATAPAT NILA SA PLAYOFFS

Natutuwa tayo dahil nakapasok sa playoffs ang New York Knicks. Muling naka-clinched ng playoff berth ang Knicks sapol noong 2013.

Walong taon ang lumipas bago silang muling nakarekta sa playoffs. Masasabi nating tama ang aging pasya ng management ng Knicks na kunin si coach Tom Thibodeau.

Si Thibudeau ay dating coach ng Chicago Bulls. Kung saan naging players niya sina Derrick Rose at Jimmy Butler.

Naging coach din siya ng Minnesota Timberwolvoes. Ngunit, inalat. Pero nang mapunta sa Knicks, aba’y sinuwerte.

Talagang may jive sila ni Derrick Rose. Maganda ang chemistry ng players na masasabi nating young guns. Kagaya niya Julius Randle at RJ Barreth.

Kung di magbabago ang resulta ng standings at kung manatili sa 6th seed ang Knicks, maaari nilang makalaban ang Milwaukee Bucks.

Yan ay sa first round ng playoffs sa Eastern Conference. Hindi dapat maliitin ang Knicks ngayon. Dahil masasabi nating isa sila sa mga dark horse.

Palagay ko, gaganahan dito si Rose at muling babalik ang angas at galing niya noon. Tiyak na ipapakita niya ito.

Malaki ang tsansa ng Knicks na masilat sino man sa Bucks o sa Atlanta Hawks. Kung Hawks ang makatatapat nila, malaki ang posibilidad na makausad sila.

Pero, kaht dehado, pahihrapan ng Knicks sinoman ang makatapat nila sa playoffs.