November 18, 2024

PAHAYAG NI ALVAREZ ILLEGAL, UNCONSTITUTIONAL – AÑO

Nanawagan si National Security Adviser (NSA) Secretary Eduardo Año sa Department of Justice (DOJ) na ikonsidera ang legal na aksyon laban kay Davao Del Norte 1st District Representative Pantaleon Alvarez, dahil sa kanyang panawagan na bumitiw sa pagsuporta sa administrasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Sa isang statement, sinabi ni Año na ang naturang pahayag mula sa isang opisyal ng pamahalaan at reserve officer ay hindi lang iresponsable, kung hindi ilegal at labag sa konstitusyon.

Maaari pa aniyang ituring bilang “seditious” o “rebellious” ang naturang pahayag, na walang lugar sa sibilisadong lipunan.

Dagdag ni Sec. Año, hindi dapat idinadamay ng kahit sino ang AFP at PNP sa kanilang political agenda at personal na interes, kahit na sinasabi ni Alvarez na bugso lang ng emosyon ang kanyang pahayag.