PINANGUNAHAN nina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang groundbreaking ceremony ng itatayong sementeryo para sa Muslim community sa siyudad na matatagpuan sa Manila South Cemetery.
Nabanggit ng alkalde na kung mayroong sementeryo para sa mga Filipino at Chinese sa Maynila, ay nararapat lamang na magtaguyod din ng ‘Manila Muslim Cemetery,’
Nasa P49.3 milyon ang inilaan ng lokal na pamahalaan para sa project, na may sakop na 2,400 square meters ng lupa. Kasama sa mga itatayo ang Cultural Hall for Muslim.
Sa kaniyang pahayag, binigyang diin ni Domagoso ang mahahalagang ambag ng mga Muslim sa kasaysayan at kultura ng Maynila.
Ang operasyon sa itatayong Muslim cemetery ay nasa ilalim ng pangangalaga ng Manila Health Department.
Dagdag pa ni Domagoso, base sa tradisyon ng mga Muslim, dapat aniya na mailibing sa loob ng 24 oras ang mga namayapa nilang mahal sa buhay.
Pero may mga kuwento ng mga Muslim na kailangan pang ibiyahe ng kanilang mga kaanak sa ibang lugar dahil walang sementeryo sa Maynila, ayon kay Domagoso.
“By building this cemetery, we can ensure that the appropriate requirements of burying their loved ones that conform to their beliefs and tradition can be complied with,” ani Domagoso.
More Stories
MOVIE, TV ICON GLORIA ROMERO, PUMANAW NA
3 sangkot sa droga, kulong sa P183K shabu sa Caloocan
Lalaking nanutok ng baril dahil sa utang, swak sa selda