December 20, 2024

PAGTATAYO NG EVACUATION CENTERS SA LAHAT NG LUNGSOD AT MUNISIPALIDAD SA BANSA, KAILANGAN – TULFO

NAGHAIN si Senator Idol Raffy Tulfo ng panukalang batas na naglalayong maglagay ng evacuation centers sa lahat ng 1,488 na munisipalidad at 146 na lungsod sa bansa.

Sa paghahain ng Senate Bill (SB) No. 1652, binigyang-diin ni Tulfo na kailangan ng evacuation centers na mayroong basic facilities, accessible na lokasyon at sapat na emergency supplies, tulad ng tubig, gamot at mga relief goods.

Ani Tulfo, ang Pilipinas ang isa sa pinaka typhoon-prone na bansa sa buong mundo.

“When disaster and calamities strike, covered courts, gymnasiums, schools, and even churches serve as evacuation areas to shelter affected residents and families,” sabi ni Tulfo.

“These areas are jam-packed when the situation worsens. Diseases; existing and unforeseen may also spread because these areas do not meet standard measures for a proper and well-ventilated evacuation center,” dagdag niya.

Humigit-kumulang 19-20 bagyo ang pumapasok sa Philippine Area of Responsibility taun-taon, kung saan umaabot sa pito hanggang siyam na landfall, ayon sa Climate Change Knowledge Portal for Development Practitioners and Policy Makers.

Sa ilalim ng SB No. 1652, ang bawat lokasyon sa bawat evacuation center ay dapat tukuyin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), sa pakikipagkoordinasyon sa mga LGUs.

Ang nasabing lokasyon ay dapat nasa isang ligtas na distansya mula sa malalaking puno at istruktura na may mga mapanganib na materyales, kailangang malapit sa pasilidad ng kalusugan, at hindi dapat matatagpuan malapit sa mga base camp ng militar at mga kampo ng mga rebeldeng grupo. Iminungkahi din ng Senador mula sa Isabela at Davao na sa ilalim ng nasabing panukalang batas, ang mga LGUs ang pangunahing responsable sa operasyon, pangangasiwa, at pamamahala ng mga evacuation centers.