Lusot na sa House Committee on Basic Education and Culture ang unnumbered substitute bill na layong magtatag ng Meister School sa bansa.
Ayon sa pangunahing may akda ng panukala na is Albay Representative Joey Salceda, sa pamamagitan nito ay bubuo ng specialized senior high schools sa bansa na tututok sa technical at vocational education.
Ang Meister schools ay isang master-craftsmen school na ang specialization ay pagtuturo ng highly-technical skills na akma sa manufacturing at iba pang high-value industries.
Layon nitong solusyunan ang skills gap sa bansa pagdating sa technical-vocational, itaas ang pagtingin sa tech-voc, at mabawasan ang unemployment sa youth sector.
Sa ilalim ng panukala, magtatatag ng Meister school sa lahat ng rehiyon at highly urbanized city.
Dalawang taon ito ng senior high school education program, na mayroong special curriculum sa tech-voc courses.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA