December 21, 2024

PAGTAAS NG PRESYO HINDI MAPIPIGILAN – DTI

“Justified” at hindi kayang pigilan ang pagtaas ng presyo ng Noche Buena items.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castello, na mahigpit na nire-regulate ng DTI ang presyo lamang ng basic necessities and prime commodities (BNPC) na napapailalim sa suggested retail prices (SRP) at maari lamang i-monitor ang presyo ng mga Noche Buena items.

 “Justified naman talaga yung pag-increase nila ng presyo, hindi natin mapipigilan,” saad ni Castelo sa isang panayam sa Sakto.

Dagdag niya na hindi sila nagpapataw ng parusa para sa expensive na Noche Buena items.

“Yung BNPCs natin, strictly, nakasunod yan sa SRP. Ang Noche Buena products, hindi po natin nireregulate. Binabantayan lang natin to check price movement, pero hindi po tayo nag i-impose ng penalty sa kanya. We do not even issue notices of violation,” paliwanag ni Castelo.


Ang BNCPs sa ilalim ng DTI ay kinabibilangan ng delata, tinapay at instant noodles, ayon sa website ng ahensiya.

Ipinaliwanag ng trade undersecretary na kung ang pagtaas ng presyo ng isang Noche Buena item ay lumampas sa 10 porsiyento (mula sa umiiral na mga presyo sa nakaraang tatlong buwan), iyon ay maaaring ituring na profiteering.

Gayunpaman, sinabi nito, na doon sa mga magtataas ng kanilang presyo sa higit sa 10 percent ay magpadala ito ng advisories sa DTI, na may supporting data para ipaliwanag ang price adjustment.

Ang presyo ng manufactured items tulad ng papel, lata at iba pang packaging materials, at karne para sa hamon ay tumaas sa international market, na nagresulta sa pagtaas ng presyo sa local Noche Buena items, ayon kay Castelo.