November 24, 2024

PAGTAAS NG BILIHIN NUMERO UNONG PROBLEMA NG MGA PINOY – OCTA

Top concern ng mga Pilipino ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Ito ang lumabas sa pinakabagong ‘Tugon ng Masa’ Survey ng OCTA Research.

Sa survey – nalamang 57% ng mga Pilipino ang nagsasabing ang pagkontrol sa presyo ng mga basic foods and services ang kanilang pangunahing concern sa ngayon.

Pumangalawa naman ang pagpapataas sa sahod ng mga mangagagawa sa 48%; at ikatlo ang pagkakaroon ng access sa abot-kayang pagkain sa 46%.

Sumunond din sa mga national concerns ang paglilikha ng mas maraming trabaho sa 29%; access sa libre at dekalidad na edukasyon sa 26%; kahirapan sa 24%; graft and corruption sa gobyerno sa 11%; peace and order – 9%; at pagsugpo sa kriminaidad sa 9%.

Matatandaang sa kaparehong survey noong 2021 – nanguna bilang national concern ang pagkontrol sa pagkalat ng COVID-19; pero ngayong taon, tanging 9% na lamang ang nagsasabing isa itong significant conern sa kanilang palagay.

Isinagawa ang survey nitong October 23 hanggang 27 sa 1,200 adult respondents.