INAASAHAN na ng Department of Health ang pagsirit ng bilang ng kaso ng mga covid-19 sa oras na magsimula ang pasukan sa susunod na linggo.
Ayon kay DOH OIC, Usec. Maria Rosario Vergiere, ito ay bunsod ng muling pagdami ng tao sa labas.
Pero umaasa ang opisyal na hindi madadamay ang mga kabataan sa inaasahang pagtaas ng bilang ng covid-19.
Kaya hinakayat nito ang mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak at manatiling sumunod sa health protocols.
Umaasa din si Vergiere na magkakaroon ang bawat eskwelahan ng safety officer para na rin sa kaligtasan ng mga estudyante.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA