SUPORTADO ng Department of Health (DOH) ang isinusulong ng Department of Interior and Local Government (DILG) na pagsusuot ng face masks kahit nasa loob ng bahay.
Hinimok ng DOH ng publiko na sundin ang panukala ng Interior department kung mayroong kasama sa bahay na symptomatic at itinuturing na kasali sa vulnerable population, tulad ng matanda, buntis at sanggol.
“Please note that the vulnerable and symptomatic must wear masks.”
Sa isang panayam sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na dapat magsuot ng face masks ang bawat pamilya na magkakasama sa isang bahay para maiwasan ang banta ng pagkalat ng sakit.
Tugon ito ng opisyal sa mga insidenteng hindi maiiwasan ang physical distancing sa bahay.
Ayon sa kalihim, at risk sa impeksyon ang mga kasama sa bahay na lumalabas para pumunta ng palengke o trabaho kaya dapat sundin ang minimum health standards kahit nasa tahanan.
Kabilang sa stratehiyang inilatag ng DOH para sa MECQ ang pagbuo ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) team. Layunin nito ang active case finding sa komunidad at agarang isolation.
Ang CODE ay binubuo ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) at iba pang local health and security personnel.
Aminado ang ahensya na may ilang local government units (LGUs) na nahihirapang ipatupad ang ilang hakbang, tulad ng monitoring at pagta-transfer ng confirmed cases sa quarantine facilities.
“The challenge would be the resistance of LGUs na ipatupad itong sinasabing role on recoveries and we understand naman ‘yun. Gusto nila sigurado sila bago nila ma-reintegrate ang mga individuals sa kanilang community.”
Nasimulan na raw ng DOH ang town hall meetings sa ilang LGU officials kung saan ipinaliwanag nila ang ilang punto sa tungkulin ng komunidad para makontrol ang pagkalat ng sakit.
“Marami na tayong pasyente na after 14-days sila ma-discharge and they’re okay. Kailangan lang talaga ipatupad at sumunod ang LGUs so that maayos nating protocol na ‘to.”
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY