January 24, 2025

PAGSUSUOT NG FACE MASK, FACE SHIELD AT ALKOHOL MALAKING TULONG SA PAGBABA NG BILANG NG KASO NG COVID-19

NANINIWALA ang mga eksperto na ang pagsusuot ng face mask, face shield at alkohol ay malaki ang naambag sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Dr. Butch Ong ng OCTA Research Group, mas naiintindihan ngayon ng mga tao ang dapat gawin upang maprotektahan ang kanilang sarili laban sa virus.

““Nakikita natin sa labas hindi naman mas-strict ang social distancing pero bakit may downtrend ng kaso? Siguro nga, ‘yong pagsuot ng face shield na may kasamang face mask at ‘yong pag-a-alcohol perhaps has contributed to the downtrend. Siguro ngayon nakakuha na tayo ng idea on how to fight it, on how to prevent it,” pahayag ni Dr. Ong.