December 25, 2024

PAGSISIKAP NG MARCOS ADMIN SA DIGITAL LITERACY NG MGA MATANDA, WELCOME KAY TIANGCO

TINUTULAK ni Navotas Congressman Toby Tiangco ang higit pang mga programa ng gobyerno upang matulungan ang mga senior citizen na umangkop sa teknolohiya at nagpo-protekta sa kanila mula sa pandaraya.

“Our senior citizens are are among the most vulnerable sectors to scams. We in government should make it a priority to help them acclimate to new technology and protect them from fraud,” sabi ni Tiangco.

Napansin ni Tiangco kung paano pinabibilis ng teknolohiya kung paano gumawa ng mga krimen online ang mga manloloko.

“Kung ang mga tech savvy nga nating mga kababayan nabibiktima pa rin ng scam, paano pa kaya ang mga seniors natin?” tanong niya.

Aniya, habang may mga kasalukuyang programa ng gobyerno na nag-aalok ng pagsasanay sa digital literacy, nananatiling mababa ang kamalayan ng publiko tungkol sa mga hakbangin na ito.

“Nakakalungkot dahil marami ang di nakakaalam na ang DICT po may transformation hubs na nagbibigay ng libreng trainings at workshops,” ani mambabatas.

“Para saan pa ang mga programang ito kung hindi naman sila nagagamit at napapakinabangan ng taumbayan?” dagdag niya.

Sinabi pa niya na bukod sa transformation hubs, dapat gawing prayoridad ng DICT ang pagtulong na pagkatiwalaan ng mga nakatatanda sa paggamit ng mga digital platform para sa komunikasyon at mga transaksyon.

“Malaking bagay po kung mailalapit natin ang programang ito sa ating mga seniors. Bukod sa karagdagang skills na matututunan nila, maproprotektahan din natin sila laban sa mga scams,” pagwawakas na sa pahayag niya.